Mahal ko pa din siya hanggang ngayon. Naiinis ako sa sarili ko kasi ilang buwan na yung nakalipas simula ng malaman kong niloko niya ako. Is it because I was serious and committed with the relationship? Sabi nga ng mga kaibigan ko...Ibang level na to! Gustong gusto ko siyang balikan kahit na ako ang nadehado pero kapag naiisip ko na he cheated me behind my back (I was so damn clueless), napapaisip ako, is it worth it? Is it worth it to try again? Hindi ba kapag binalikan ko siya eh magiging paranoid lang ako forever which would definitely ruin our relationship?
In fairness, talaga namang napaka-bait nya, no questions asked. For almost 2 years, I dominated him. Sabi ng mga friends ko, under ko daw siya (not in a bad way of course). Napapaisip nga ako eh, kung ang Diyos eh marunong magpatawad, ako pa kaya? Kaya ko bang tanggapin na niloko niya ko nung mga panahon na bumigay siya sa temptasyon? Sa trabaho ko, marami akong nakikilalang mga lalake pero kahit na alam kong pwede akong makipag-fling sa kanila eh hindi ko ginawa. Iniisip ko pa lang na lokohin siya eh inaalis ko na siya sa isipan ko kasi alam ko na masasaktan ko lang yung taong mahal ko. Hindi pala lahat ng tao ay pare-pareho ang tingin pagdating sa love.
Mahal ko pa din siya pero maraming mga tanong ang dapat sagutin:
1. Kaya mo pa bang mahalin siya tulad ng pagmamahal mo dati?
2. Kaya mo bang ibalik ang trust mo sa kanya?
3. Kaya mo bang maging martyr kapag ginawa niya ulit na lokohin ka?
4. Kaya mo bang hindi siya sumbatan sa dating pangloloko na ginawa niya sa yo?
5. At eto ang pinakaimportanteng tanong sa lahat: Kaya mo bang tanggapin kapag nalaman mong HINDI KA NA NIYA MAHAL?
Naiiyak ako...Naiinis ako sa sarili ko! Gusto ko syang balikan! Pero pinipigilan ako ng pride ko! Gusto kong lunurin ang sarili ko sa trabaho para hindi ko siya maisip. Gusto kong matulog ng sobrang tagal para pag-gising ko mawawala na lang yung nararamdaman ko para sa kanya. Gusto kong i-fast forward ang buhay ko para makilala ko yung lalaking magmamahal sa kin ng lubos. Gusto kong takasan lahat ng nararamdaman ko ngayon..
Thursday, May 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment